Martes, Nobyembre 1, 2016

Kasaysayan at Hamon ng Sustainable Development

maryvalderamos@gmail.com

“Kasaysayan at hamon ng Sustainable Development”

            Sa inyong tahanan, sino ang nag babadyet ng pera para sa kagastusan ng iyong pamilya? Halimbawa na lang ay ang iyong ina ang nag babadyet ng pera sa inyong tahanan, hindi ba kayo nagtataka kung papaano siya nag babadyet para ma suportahan ng tama ang inyong kagastusan sa araw-araw? Sino sa iyong tahanan naman ang nag tratrabaho upang matugunan ang inyong pangangailangan? Naisip mo ba kung papaano niya ginagastos ang perang kanyang kinikita ng hindi naaapektuhan ang ibang bagay? Minsan ba ay nararamdman mo na kayo ay nagigipit? O hindi naman? Kung gayon naman ay pagiging praktikal ang tawag diyan. May kinalaman ito sa paksang aking ilalahad.
            Ang paksa ko ay tungkol sa Sustainable development. Ano nga ba ang Sustainable Development? Ang Sustainable Development ay  tumutukoy sa isang mode ng pag unlad ng tao na kung saan ay naglalayong matugunan ang mga pangangailanagn ng tao paggamit mapagkukunan habang pinapanatili ang kapaligiran upang ang mga pangangailangan ay maaring matugunan hindi lamang sa kasalukuyan, ngunit din para sa mga henerasyong darating. Ang salitang “sustainability” ay ginamit ng mga Aleman na nagbabantay at nagsusuri sa mga kakahuyan sa Germany noong 1713. Si Hans Carl Von Carlowitz ang nag saad sa aklat na ginawa niyang “ Sylvicultura Oeconomica “ ito ay aklat na nagsasaad ng kahalagahan ng wastong pagtrotroso at sustainable sa mga kagubatan at kakahuyan. Si Hans ay “ Father of Sustainable Yield Forestry “ Ang sustainability ay nakakaapekto sa maraming aspekto lalong lalo na sa ating pagkapaligiran. Gaya na lang sa Agrikultura kung hindi wasto at hindi tama ang pagsasaka ay maaring dumulot ito ng masamang epekto gaya na lang ng land erosion pagkawala ng mga tirahan ng mga hayop, soil erosion, at pagkaubos ng suplay ng tubig. Dapat protektahan ng pamahalaan maseselang bahagi ng bansa upang hindi ito sumailalim sa “land conversion” o pag-iiba ng gamit ng lupain. Isa pang  aspektong naapektuhan ay ang industriya. Ang fossil fuel ay may malaking pakinabang sa daigdig ito ang nag papatakbo sa industriya. Ang fossil fuel ay ginagamit upang patakbuhin ang mga kotse, eroplano, barko. Isa pang kagamitan ng fossil fuel ay ang panggatong sa mga power plants para magkaroon tayo ng elektripikasyon, sa hindi pag gamit ng tama sa fossil fuel mayroon itong negatibong epekto sa ating atmospera ang labis na carbon dioxide ay ang sanhi ng masyadong pag – init n gating temperatura sa daigdig at nag dudulot ng climate change. Ngunit mayroong alternatibo ditto at tinatawag itong renewable energy ; pinagkukunan ng enerhiyang muling napapalitan. Halimbawa nito ay solar power, wind power, & etc. Sa aspektong pangingisda naman naapektuhan din ito ang labis ng pangingisda o “overfishing” a nag dudulot ng pagmahal ng presyo sa pamilihin dahil sa pag kaubos o “shortage” ng isda sa dagat. Alinsunod sa sustainable development nagsulong sila ng “agriculture” o ang artipisyal na pag-aalaga at pagpapalaki ng mga isda. May mga hamon ang sustainable development isa na dito ang “consumerism”. Ang “consumerism” ay labis na paggamit ng o pagbili ng mga bagay, na kahit ito’y hindi naman kailangan. Naapektuhan nito ang GDP o ang Growth Development Product kaa taon ang GDP ay tinitingnan dahil dito naabase kung gaano umunlad an gating bansa. Ang labis na pag konsumo ay may masamng epekto. Halimbawa ang labis na pag aaksaya ng bigas. Maaring magipit tayo sa takdang panahon ng dahil sa pagkaubos ng suplay na ito sapagkat ang bigas ay hindi basta-basta tumutubo pinaghihirapan itong anihin at sumasailalim ito sa iba’t-ibang proseso. Isa pang hamon ng sustainable development ay ang kahirapan sapagkat ang labis na hidi pamamahagi ng yaman ng ekonomiya ay maaring humantong sa pagkasira ng kapaligiran. Nagbalangkas ng Philippine Agenda 21 (1996) upang mabawasan ang kahirapan at pagkauda ng trabaho ng marami, dapat din pataasin ang kita ng mamayan, at dapat sapat ang suplay ng pagkain na tinatawag na “Food Security”.
Para sa aking konklusyon masasabi ko na mahalaganag malalaman kung ano ang sustainable development. Sapagkat naglalaman ito ng mga bagay na pwedeng mangyari kung hindi natin susuriin mabuti an gating pag kokonsumo at pag bubudyet n gating kinakailangan upang hindi tayo magipit sa huli. Ika nga “”One Boy Billionaire” ang tawag sa mga taong iniisip lang ang nangyayare kaysa sa kinabukasan. Mahalagang planuhin natin ang bawat pag gasta natin sa kahit ano para sa huli mayroon parin tayong dudukutin o pagkukunin. Ang aking paksa ay suportado ng librong aking pinagkuhan na “Mga kontemporaryon isyu (araling panlipunan)” na isinulat ng awtor na sina Paul Micah Francisco, Mario Alvero Limos, at Noel Padalhin at ang koordineytor na si Ruben M. Milambiling.

Reference: “Mga Kontemporaryong Isyu”
Page 60-72
Awtor: Paul Micah Francisco
Mario Alvero Limas
Noel Padalhin

1 komento:

  1. Betway Casino: 100% Up To $400 Bonus in 2021 | DRMCD
    Betway Casino offers more 동해 출장안마 than 경기도 출장마사지 500 slots and casino games for the modern players to play. Sign 부산광역 출장안마 up now 안동 출장샵 for a 대전광역 출장안마 200% welcome bonus up to $400 and  Rating: 4.4 · ‎Review by Dr

    TumugonBurahin